"Ma'am, tahan na ho". Malambing ang boses na iyon ni Aling Tisang na siyang nakapag pabalik sa aking ulirat. Tiningala ko siya,ngunit hindi ko halos mauninagan ang kaniyang mukha sapagkat punong puno pa rin ng luha ang magkabila kong mga mata. Marahas kong pinunas ang mga luhang di halos tumitigil sa kakapatak. Rinig na rinig ko rin ang maya't mayang pagsinghot ko,na bunga ng matagal na pag iyak. "Ma'am, hindi ko ho alam ang sakit na nararamdaman ninyo ngayon,ngunit kailangan ninyong tumayo ma'am. Matatalo kayo niyan". Nagsusumamo ang boses ni Aling Tisang. Napatingin ako sa telebisyon, kasalukuyan nang nakaupo sina Salem at Rina. Nagtatawanan kasama ang nagi- interview sa kanila. "Aling Tisang,wala na eh,talo na ako. Walang laro,ngunit talong talo na ako". Yumuko ako,alam kong ilang saglit pa lamang ay mahuhulog na naman itong mga luhang hindi na nagsasawang lumandas patungo sa aking mga pisngi. "Ano ang paborito mong parte ng katawan ni Salem?"Napaangat muli ang aking t
Last Updated : 2025-12-09 Read more