MIREAMabangong aroma ang sumalubong sa akin, nang makarating sa aming departamento gamit ang isang golf cart. Ganito rito, pwedeng magpahatid kung malayo ang lalakarin. “Hi, Mirea. Good morning!” Ngumiti ako sa isang guest na bumati sa akin. “Good morning po!” tugon ko. Nagpatuloy ako sa paglakad, hanggang marating ko ang coffee station kung saan ako nakapwesto. “Hay, salamat. Dumating ka na rin!” bungad sa akin ni Dhana. Nagtataka ko siyang tiningnan. “Kasi naman . . . kanina ka pa pinatatawag ni Sir Rex, Te!” aniya sa mahinang boses. Anong trip niya? Nagsabi ako sa kanya kahapon, after lunch ako pupunta sa opisina niya ngayon. “Bakit daw?” tanong ko habang nagsusuot ng apron. “Ewan ko,” kibit balikat niyang tugon. Nangunot ang noo ko. “Speaking . . .” Sinundan ko kung saan ito nakatingin. I swallowed when I saw Rex, while playing golf. Seriously?Mag-iisang taon na’kong nagtatrabaho rito sa driving range, pero ito ang unang beses na nakita ko siyang pumalo rito. “Al
Last Updated : 2025-12-01 Read more