KABANATA 11“Sa Likod ng Tahimik na Misa”Tahimik ang loob ng simbahan, ngunit sa pagitan ng mga dasal at awit ng choir, may mga isip na hindi mapayapa.Nakaupo lamang si Althea sa hanay ng upuan kasama si Doña Celestia at si Nicollo. Sa harap nila ay ang altar, ngunit ang atensyon niya ay hindi doon nakatuon.Sa halip, paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina lang, ang paglapit ni Gabriel, mga tanong, at ang biglang pag-utos ni Nicollo na umalis sila.At higit sa lahat… ang tingin ni GabrielParang may alam ito ngunit ayaw magsalita, kinakabahan siya rito parang hindi ito kumbinsido."Lord, sana wala siyang hinala," bulong ni Althea sa isip habang mahigpit ang hawak sa rosary sa kanyang kamay.Sa tabi niya, tahimik si Nicollo.Nakaupo siya nang diretso, malamig ang ekspresyon, parang walang nangyayari. Pero kung titignan mo nang mabuti, makikita mo ang bahagyang pagkunot ng kanyang senyales na may gumugulo rin sa kaniyang isipan.Hindi siya
Read more