"This will be your room. Naisip ko na baka hindi ka pa kumportable sa set up natin kaya ito ang ginawa ko. But if you're comfortable enough then we can share the same bed room.""Uh, hindi na. Ayos na sa 'kin 'to, Jameson. Parang buong bahay na namin 'to sa sobrang laki," agap na sinabi ko sa kaniya at tuluyan nang pumasok sa kuwartong para sa akin-sabi niya.Napangiti ako at nilibot ng tingin ang buong silid. Katulad ng inaasahan, malaki talaga ang Montgomery Mansion sa loob at labas. Feeling ko ay maliligaw ako sa loob nito dahil sa sobrang laki! Ni hindi ko nga marinig ang sarili kong boses."Maraming salamat, Jameson-""Just call me Luke. I don't like my first name that much," natatawa niyang putol sa sasabihin ko kaya natawa na rin ako at muli siyang nilapitan."Maraming salamat, Luke. Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa ginawa mo pero irerequest ko sana na ipa-DNA 'tong dinadala ko para hindi ka na maghinala. Para na rin sa ikapapanatag ng loob mo," suhestiyon ko sa k
Last Updated : 2025-12-11 Read more