Karina's POV Napatingin ako sa bandang pintuan at nagulat ako nang makitang nakatayo siya dun. Ang kapatid ni Travis, the ever arrogant and ruthless Tristan Jacob Alejandro. Madilim ang mukha nito at umiigting ang panga. "Bakit di ka umuuwi sa mansion?" "Bakit pa ako uuwi dun? May karapatan pa ba akong umuwi dun? Wala na diba? Patay na si Travis kaya wala nang dahilan para umuwi pa ako sa impyernong mansyon niyo." Mabigat ang hakbang na lumapit siya sa akin. "Wala ka man lang bang respeto sa asawa mo? Para mo na rin siyang tinalikuran." Tumawa ako nang pagak at humarap sa kanya. "Hindi ko tinalikuran si Travis; maintindihan Niya ako kung bakit ayaw Kong bumalik sa mansyon niyo." "Ang arte mo, ikaw na nga pinapakiusapan ko ayaw mo pa." "Sinabihan ba kitang pakiusapan mo ako na bumalik dun?" Napapikit siya sa iritasyon. Hindi ko siya uurungan simula pa lang noon; mabigat na ang dugo ko sa kanya. Masyadong babaero, hindi katulad ni Travis na stick to one at mabait. "Just g
Terakhir Diperbarui : 2025-12-10 Baca selengkapnya