Matapos kaming mag-ani ay nagpahinga kami ni nanay, at si tatay naman ay patuloy pa rin sa pag-aani.Umupo si Nanay sa isang silya at tumingin sa'kin.“Ano nga ulit ang sinasabi mo kanina, anak?” tanong ni nanay.Inalis ko ang sumbrero kong abaca, at kumuha ng isang basong tubig. “Balak ko po sanang lumuwas ng Maynila at mag hanap buhay ro'n, nay,” saad ko.“Mukhang maganda 'yan, kaso hindi ba delikado ro'n, baka maligaw ka bigla?” pag-aalalang tanong ni nanay.“Nako, nay. Hindi na ako bata,” natatawang sambit ko. Inilagay ko sa lamesa ang basong pinag inuman ko ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kaniya. “Mukhang magiging maganda ang kapalaran natin, kung papayagan niyo 'kong lumuwas sa Maynila.”“Kung ako lang e' papayag naman, Samarah. Kahit may pag aalin-langan, alam kong kaya mo naman 'yon. Hindi ko lang alam kung papayag ba ang tatay mo sa pasya mong 'yan,” ani nanay.“Kakausapin ko siya, nay,” sagot ko sa kaniya.“Aling Emillia!” Natigi
最終更新日 : 2026-01-09 続きを読む