Kabanata 35 Samantha’s Point of View Pagod na pagod ako nang makarating kami sa hotel sa Las Vegas. Pakiramdam ko ay ilang oras na akong nakaupo, nakatayo, naglalakad, at naghihintay. Mahaba ang biyahe. Sobrang daming tao sa airport. Daan-daang mukha ang nakita ko. Kung saan-saan kami dumaan. Kung ilang beses akong napagod sa kakahila ng maleta, hindi ko na mabilang. Pero kahit ganoon, halos wala akong ginawa. Si Gabriel ang nag-asikaso ng lahat. Siya ang kumausap sa airport staff. Siya ang nagdala ng karamihan sa mga gamit. Siya ang nag-check in. Siya ang nag-ayos ng transportation papunta sa hotel. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng pag-aalaga. Hindi ako sanay na may lalaking inaako ang lahat ng responsibilidad para maging madali ang buhay ko. At lalo akong hindi sanay na si Gabriel pa ang gumagawa noon. Naka-leave ako sa trabaho at wala akong ibang gagawin dito kundi samahan siya sa mga lakad niya. Pero may sarili rin akong dahilan kung bakit ako sumama. Gusto kong maki
Read more