“Happy birthday and congratulations, Dr. Vera. You are two weeks pregnant!” masayang sabi ni Dr. Andrea Morgan, ang kaibigan at kasamahan ni Vera sa ospital, habang hawak ang resulta ng check-up.Nanigas si Vera sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa nakikita. Hawak-hawak niya ang papel, ramdam ang mabilis na tibok ng puso sa tuwa at kaba. Birthday niya ngayong araw, at hindi niya inasahan ang ganitong sorpresa. Ilang taon na siyang naghintay at nagdasal. Limang taon na silang kasal ni Riley, at alam niyang gusto rin ng asawa niyang magkaroon ng anak.“Dalawang linggo na akong buntis, Andrea? Totoo ba ito?” tanong ni Vera, nanginginig ang boses habang pinipilit kontrolin ang excitement.“Yes, Vera. Naka-confirm sa ultrasound. Two weeks ka nang buntis. Sobrang bago pa lang, pero congrats! Malaking blessing ito,” sagot ni Andrea, pinipisil ang kamay niya at ngumiti ng buong puso.Napatakip si Vera ng bibig, hindi makapaniwala. Gusto niyang tumawag kay Riley kaagad at ibahagi ang balita, p
Last Updated : 2026-01-15 Read more