A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-01-18
Oleh:  Duskara MorvaneBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
2Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Limang taon nang asawa si Dr. Vera Almonte ni Riley Garcia, ngunit sa buong panahon ng kanilang pagsasama, palagi siyang pangalawa. Sa bawat gabi at sa bawat katahimikan ng kanilang bahay, malinaw na may isang babaeng hindi niya kailanman kayang palitan—ang unang babaeng minahal ng kaniyang asawa, si Carla Mendoza. Sa mismong kaarawan ni Vera, nalaman niyang siya’y buntis. Inakala niyang iyon na ang magiging dahilan para sa wakas ay piliin siya ni Riley. Ngunit bago pa man niya maibahagi ang balita, isang mas masakit na katotohanan ang dumurog sa kaniya—buntis din si Carla, at iisa ang ama ng mga batang iyon. Doon niya napagtanto na kailanman ay hindi siya naging tunay na asawa, kundi isang pansamantalang kapalit lamang. Pinili ni Vera ang paglayo. Nag-file siya ng annulment at ipinadala iyon kay Riley, upang hindi na siya maging sagabal sa pagmamahalan ng dalawa. Nilihim niya ang sariling pagbubuntis upang protektahan ang sarili at ang anak na pilit niyang ipinaglaban. Ngunit hindi lahat ng lihim ay nananatiling ligtas. Sa takot na maagaw si Riley, sinira ni Carla ang tanging bagay na natitira kay Vera. Sinagasaan siya nito, at sa isang iglap, nawala ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Nang magising si Vera sa loob ng ospital, isang lalaking hindi niya inaasahan ang nadatnan niyang nagbabantay sa kaniya—si Rico Garcia. Ang nakatatandang kapatid ni Riley. Isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay kumuha ng gusto niya, at ngayon, ginamit niya ang kapangyarihan niya upang protektahan si Vera. Isang kontratang kasal ang inalok ni Rico. Kapalit ng proteksyon, si Vera ay magiging kanya—sa pangalan, sa buhay, at sa mundong hindi na niya maaaring talikuran. Ngunit sa isang kasal na itinayo sa galit at paghihiganti, hanggang saan hahantong ang lahat kapag minahal ka ng lalaking handang wasakin ang sarili niyang kapatid para sa ‘yo?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

“Happy birthday and congratulations, Dr. Vera. You are two weeks pregnant!” masayang sabi ni Dr. Andrea Morgan, ang kaibigan at kasamahan ni Vera sa ospital, habang hawak ang resulta ng check-up.

Nanigas si Vera sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa nakikita. Hawak-hawak niya ang papel, ramdam ang mabilis na tibok ng puso sa tuwa at kaba. Birthday niya ngayong araw, at hindi niya inasahan ang ganitong sorpresa. Ilang taon na siyang naghintay at nagdasal. Limang taon na silang kasal ni Riley, at alam niyang gusto rin ng asawa niyang magkaroon ng anak.

“Dalawang linggo na akong buntis, Andrea? Totoo ba ito?” tanong ni Vera, nanginginig ang boses habang pinipilit kontrolin ang excitement.

“Yes, Vera. Naka-confirm sa ultrasound. Two weeks ka nang buntis. Sobrang bago pa lang, pero congrats! Malaking blessing ito,” sagot ni Andrea, pinipisil ang kamay niya at ngumiti ng buong puso.

Napatakip si Vera ng bibig, hindi makapaniwala. Gusto niyang tumawag kay Riley kaagad at ibahagi ang balita, pero pinigilan niya ang sarili. “Magiging masaya si Riley kapag nalaman niyang buntis ako. Baka mamahalin niya na ako,” bulong niya sa sarili habang pinipikit ang mga mata.

Biglang pumasok ang iba pang kasamahang doktor at mga nars sa room, dala ang mga lobo at maliit na cake. “Happy birthday, Vera!” sabay-sabay na bati nila, kasabay ng masayang halakhak. “At congrats sa first baby ninyo!”

“Salamat… sa inyong lahat,” mahina ngunit masaya ang sagot ni Vera habang tinatanggap ang mga yakap at pagbati. Napangiti siya ng kaunti, ngunit halata sa mga mata ang halo ng tuwa at kaba.

Pagkatapos ng duty niya sa ospital, dumiretso siya sa bahay. Hindi masukat ang saya sa dibdib niya habang hawak ang papel na nagpapatunay na siya ay dalawang linggo nang buntis. Para sa kaniya, may pag-asa na siyang mapapansin ni Riley at maramdaman ang pagmamahal na matagal niyang hinahangad.

Ngunit pagpasok niya sa bahay, bumungad sa kaniya sina Riley at Carla na magkayakap. Hinahaplos ni Riley ang tiyan ng babae.

Nang napansin nila si Vera, pareho silang napatigil at humarap.

“Vera… gusto kong sabihin sa ‘yo…” masayang sabi ni Carla habang hinahawakan ang tiyan niya. “Buntis ako. At… si Riley ang ama. Sa wakas, magkakaroon na rin siya ng anak.”

Parang hindi man lang tinablan ng hiya si Carla nang aminin niya kaagad ang tungkol sa pagbubuntis niya. Sa mismong asawa ni Riley.

Para kay Vera, parang bumagsak ang langit at lupa. Si Riley naman ay parang walang pakialam sa nararamdaman niya, nakangiti kay Carla at hinahaplos ang tiyan ng first love niya. Pinigilan ni Vera ang magalit. Pilit niyang kinontrol ang galit na puwedeng sumabog sa loob ng bahay. Baka kung ano pa ang magawa niya sa dalawang taong nasa harapan niya.

“Alam mo naman kung sino talaga ang mahal ko, Vera. Si Carla lang,” madaliang sabi ni Riley sa asawa, halatang pinipilit maging mahinahon. “Sana huwag mong sasabihin sa mga magulang natin ang tungkol dito. Magagalit sila kapag nalamang buntis si Carla.”

Si Vera ay pilit pa rin nilabanan ang galit at luha, tumango lamang. “Yeah. Alam ko na.”

Ngunit sa loob niya, naglalagablab ang damdamin. 

“Happy birthday, Vera,” mahina at may halong guilt ang sabi ni Riley sa asawa. Halos hindi niya kayang tumingin kay Vera, alam niyang magagalit siya.

Gusto niyang magalit, sumigaw, at ibulgar ang lahat. Pero mas pinili niyang kumalma. “Salamat… kahit na… masaya ka na sa kaniya,” lumalim na ang hininga niya, pinipigil ang damdamin. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harapan nina Riley at Carla.

Kinuha ni Carla ang cake sa table at ibinigay kay Vera. Ngunit hindi niya tinanggap. “Salamat… pero… hindi muna,” mahina niyang sabi, nakatitig pa rin sa dalawa. Natatakot siyang baka may inilagay na masama sa cake, pero higit sa lahat, ayaw niyang makasagasa sa kanila sa harap ni Riley.

“Congrats, Carla,” nakapangiti si Vera, mahirap man, pilit niyang iniiwasan ang emosyon. “Finally, naging successful ka rin sa pag-agaw ng asawa ko. Pinatunayan mo talaga kung gaano ka ka… persistent maging kabit ng asawa ko. Isa kang successful kabit.”

Bago pa man makasagot si Carla, sinampal na ni Riley ang asawa niya. Hindi niya nagustohan ang sinabi ni Vera dahil baka masaktan si Carla at mapano pa ang anak nila.

Ngumisi lamang si Vera, kahit nanunuot sa balat niya ang sakit.

“Wala kang karapatang magsalita ng ganoon kay Carla!” galit na sigaw ni Riley, tumataas ang boses.

“Bakit? Totoo naman, ‘di ba?” ngumisi si Vera, pilit pinipigilan ang namumuong luha. “Kasal ka pa rin sa akin, Riley. Mahal mo man ako o hindi, ako ang legal mong asawa. I am Vera Almonte—Garcia. Your lawfully wedded wife. Baka nakalimutan mo.”

Biglang umarte si Carla, hinawakan ang tiyan niya at napapikit sa sakit. Kahit na wala naman talaga siyang nararamdaman. Masaya siya kasi alam niyang makukuha na niya nang tuluyan si Riley.

“Carla! Are you okay?” nataranta si Riley, halatang natakot. 

Si Vera na nakatayo sa tabi ay nakatitig lang sa eksena na ilang beses niya nang nakita sa mga pelikula. Hindi niya nagawang sabihin na siya rin ay buntis din dahil sa mismong gabi ng kaarawan niya, mas pinili ng asawa niya ang ibang babae.

“Ang galing naman umarte ng kabit mo. Audition ka kaya sa pagiging artista.” Nagkibit-balikat si Vera habang pinapanuod ang pag-arte ni Carla.

“Vera! Enough!” sigaw ni Riley, bakas sa tono ng lalaki ang namumuong galit. “Hindi mo dapat pagsalitaan siya ng ganito! Buntis si Carla! Ang insensitive mo naman!”

“Bakit hindi? Totoo naman, ‘di ba? Kabit mo siya, Riley!” sagot ni Vera, pilit pinipigil ang luha. “Legal mo pa rin akong asawa, Riley. At sa kabila ng lahat, ako pa rin ang asawa mo. Nakalimutan mo ba?”

Si Carla, sa gitna ng tensyon, muling nagkunwaring nasasaktan, humawak sa tiyan. “Ahhh… ang sakit talaga!”

“Carla!” sigaw ni Riley, inalalayan niya si Carla. “Huwag kang mag-alala, dadalhin kita agad sa ospital!”

Hindi na nagawa ni Vera ipaalam sa kaniya na siya rin ay buntis. Ang lahat ng tiniis niya sa limang taon ay parang naglaho sa isang iglap dahil kahit pa malaman ni Riley ang totoo, hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Masaya si Riley sa piling ni Carla.

“Kapag may nangyaring masama kay Carla, humanda ka sa akin!” banta ni Riley bago tumalikod upang dalhin si Carla sa pinakamalapit na ospital.

Nang nakalabas na ng bahay ang dalawa, doon pa lamang naramdaman ni Vera ang panginginig ng buong katawan niya at ang panghihina ng kaniyang tuhod.

Napaluhod siya at napaiyak sa sakit. 

Birthday niya, pero nasira dahil sa hindi magandang balita. Ang nakabuntis ang asawa niya ng ibang babae. 

Pinilit niya ang sariling makatayo at makalakad kahit na parang binagsakan siya ng langit at lupa. Kailangan niyang umalis kaya nag-impake si Vera ng gamit agad nang nakapasok siya sa silid nila mag-asawa. Alam niyang mawawala ang karapatan niyang tumira sa bahay dahil doon na rin titira si Carla. Mas pinili niyang lumayo, pinili ang dignidad kaysa manatili sa isang tahanan na puno ng pagtataksil. Kasabay nito, nakapagdesisyon siyang itago ang pagbubuntis upang protektahan ang sarili at ang bata. Para kay Vera, ito ang tanging paraan upang makamit ang kalayaan at simulan muli ang buhay, kahit na may sugat sa puso at emosyonal na nagdudulot ng takot at pangungulila.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status