Janine POVNagising ako bigla. Naalala ko na kailangan maaga akong pumasok ngayon dahil marami kaming meeting ni Jerome—sa mga investors at sa mga employees. Ngunit biglang bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi. Ang mga sinabi niya… parang panaginip lang ang lahat.Flashback“Wife, huwag kang aalis. Ayusin natin ang lahat ng ito—lahat ng pagkakamaling nangyari sa atin sa nakaraan. Magsama tayo hanggang sa malaman natin kung saan patungo ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, basta ang alam ko lang, parang wala akong buhay kapag wala ka. Nangangako ako sa’yo, papasayahin kita araw-araw. Hindi ka na malulungkot habang magkasama tayo. Pangako. Please, wife.”Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Papayag ba ako? Paano kung sa huli, malaman niyang hindi pala niya ako mahal? Baka lalo lang akong masaktan.“Wife, please.”Nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad, ngunit natatakot ako. Ano ba ang dapat kong gawin?“Baka masaktan lang ako, Luc, kapag pi
최신 업데이트 : 2026-02-02 더 보기