Janine POVHindi pa rin ako makatulog. Gulong-gulo na ako kay Luc. Mag-aalas tres na ng madaling-araw, pero ang diwa ko gising pa rin. Iniisip ko pa rin, bakit ginagawa ni Luc ang lahat ng ito?Bakit ganito siya? Bakit nagiging mabait at sweet pa siya sa akin? Diba, eto naman ang gusto niya—ang lumayo ako?Paano na ako makakaalis dito kung ganito ang pagtrato niya ulit sa akin?Naiwan sila Luc sa party dahil after daw nun, pupunta sila sa bar ni Diego.Sinasama niya ako, pero tumanggi ako dahil hindi naman ako mahilig sa ganyan at ayokong laging dumidikit kay Luc. Nandito ako sa kusina ngayon, kasi hindi ako makatulog sa kakaisip. Nagpunta ako dito para uminom ng gatas, baka sakaling makatulog na ako.“Ay! Pusang kinakalbo!” Nagulat ako nang may humawak sa braso ko.Paglingon ko, si Luc pala. Mukhang naparami ng inom.“Wife! I miss you, hik!” Naku, lasing nga siya. Pula pa ang mukha niya sobra, kaya ayokong uminom kasama siya—baka mag-react ang skin niya.“Wife, sorry for what I’ve d
Huling Na-update : 2026-02-02 Magbasa pa