My Cold Husband

My Cold Husband

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-02-05
Oleh:  RocelBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
32Bab
10Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Mahal na mahal ni Janine ang kanyang asawa, si Lucas, ngunit palagi siyang tinatanggihan at tinitingnan na parang estranghero. Bawat pagsusumikap niya na lapitan siya, tila mas lalo lang siyang tinataboy, at nagtatanong siya kung mapapatawad pa kaya siya ni Lucas sa nagawang pagkakamali. Determinado si Janine na hindi mawala ang taong mahal niya, kaya haharapin niya ang sakit, pasensya, at pag-asa. Ngunit may pinagdadaanan din si Lucas, at maaaring imposible nang basagin ang pader sa kanyang puso. Mabubuo pa kaya muli ang kanilang pagmamahalan bago mahuli ang lahat, o tuluyan na bang mawawala ang kanilang pagsasama?”

Lihat lebih banyak

Bab 1

Breakfast

Agad akong nagising sa pag-ring ng cellphone ko, kaya kinapa-kapa ko agad ang side table para masagot ang tawag ng best friend kong si Cindy, kahit sobrang antok pa ako pini pilit ko talagang magising agad.

Alam ko na agad kung sino ang tumatawag. Hiniling ko talaga ang pabor na ito kahit labag sa loob niya, kahit alam kong di siya masaya sa pinapagawa ko, ginagawa pa din niya.

Kailangan niya akong gisingin tuwing alas-singko ng madaling araw bago siya umuwi sa bahay nila galing trabaho, minsan nga bago pa pumasok yan sa gabi magpapa alala pa yan na dapat maaga akong magising at matulog para magawa ko amg kina iinisan niyang katangan para sa kaniyang ginagawa ko.

Isa kasi siyang call center agent, kaya pagkatapos niya sa work ay tinatawagan niya ako. Ayoko kasing umasa sa alarm clock-tulog-mantika kasi ako. Kapag narinig ko ang alarm, io-off ko lang at makakatulog na naman ulit.

Hindi katulad ni Bes. Maasahan talaga siya. Hindi niya ako tinatantanan hangga't hindi pa ako nagigising, lalo na kapag inaantok pa ako, halos pasabugin niya na ang cellphone ko sa kakatawag..

Almost two years ko na itong pinapagawa sa kanya, pero kahit minsan ay hindi ko siya narinig na umangal o nagalit sakin. Minsan nga, ako pa ang nagsusungit sa kanya kasi mapang-asar minsan, tsk.

"Hello, good morning, Mrs. Samaniego! Kailangan niyo na pong bumangon sa kama para maligo na agad! Siyempre kailangan niyo pa pong ipagluto at asikasuhin ang pinakamamahal niyong asawa na parang hari, na walang ginawa kundi sungitan kayo at alilain, take note may kasama pang pagpapaluha sayo!"

Eto na naman siya! Hindi na naman ako makasingit sa haba ng mga litanya niya. Hindi siya nagrereklamo sa pinapagawa ko sa kanya kundi sa pagsisilbi ko pagdating sa asawa ko.

"Oo, eto na nga gising na! Kausap mo na nga ako, 'di ba?!" may pagkasarcastic kong sagot sa kaniya dahil ayan na naman siya sa pagiging talakera niya..

Panibagong sermon na naman ito.

"Ah! Ganon po ba?! Gising na po ba kayo?! Eh 'di wow! Eh 'di okay! Eh ikaw? Kailan ka gigising sa katotohanan at sa kamartiran mo?! Kasi isang araw, hindi na ko magugukat kung ikaw na ang ipapalit sa rebulto ni Rizal sa Luneta dahil sa pagiging-"

Agad kong In-end na ang tawag niya. Alam kong magtatagal na naman ang sermon niya at wala na akong magagawa sa haba nang sasabihin niya na naman sakin.

Hindi na siya nasanay. Alam naman niyang kailangan kong gawin ito. Alam naman niyang mahal na mahal ko si Lucas. Lahat gagawin ko para lang mahalin niya ako, lalo na ang mapatawad niya ako sa maling nagawa ko sa kanya at sa babaeng pinakamamahal niya.

Natapos na rin akong maligo at mag-prepare ng breakfast ni Lucas. Mamaya ay bababa na rin siya. Maaga kasi siyang pumapasok sa trabaho, kahit kami naman ang may-ari ng kumpanya. Ewan ko ba sa kaniya.

Minsan nagtataka ako baka pinapasok niya na rin pati ang pagiging guard? Kidding. Sadyang marami lang talagang ginagawa siya sa kumpanya kaya lagi siyang maaga. Sipag talaga ng asawa ko noh, kaya mas lalo akong humahanga at mas lalo ko siyang minamahal.

May narinig na akong yabag ng paa pababa ng hagdan. Nag ayos muna ako ng sarili ko at inamoy amoy kung mabango pa ako, sa tingin ko naman ayos pa tong itsura pati amoy ko.

Naku, siya na 'yan.

Sana good mood naman siya ngayon. Huwag sanang magsungit ulit or wag naman sanang umiwas sakin.

Mabilis akong pumunta agad sa baba ng hagdan para salubungin siya, pero pagdating ko roon ay nakababa na pala siya at abala nang nagbabasa ng dyaryo at paminsan minsan tiningnan ang kaniyang cellphone.

Ang bagal ko kasing maglakad ayan tuloy di man lang niya nakitang inaabangan ko siya.

"Good morning!" masigla kong bati at may kasama pang pag ngiti.

"Ano ang maganda sa umaga kung palagi kitang nakikita at ikaw ang bumubungad ng araw ko?" matabang niyang sagot, nakasimangot.

"And why are you here, na naman? Masyado mong sinisira ang araw ko, baka dahil sa nakita kita malasin ang araw ko at wala akong ma accomplished na trabaho. " inis na inis niyang sabi sakin, habang naka tutok sa dyaryo. Kahit sa iba siya nakatingin, sa itsura pa lang niya ramdam na ramdam kong naiirita siya dahil nasa paligid niya lang ako.

"Mas mabuti pang bumalik ka na lang sa kuwarto mo, at magkulong ka dun buong araw. " masungit niyang utos, hindi man lang niya ako matingnan, maski sulyap wala.

Tumayo na siya na parang tinatamad at wala sa mood. Mukhang aalis na siya.

"Ahm, wait lang!" masigla kong sabi nang tatangka na siyang umalis. Hindi ko puwedeng ipakita na nasasaktan at sumusuko na ako, kahit bawat masasakit na salita niya ay unti unting nadudurog ang puso ko.

"Nagluto ako ng breakfast for you. Sana naman kainin mo, kahit ngayong araw lang, please. " malambing kong hiling sa kaniya.

Narinig ko lang siyang nagmura. Medyo kinabahan ako, dahil alam kong di niya gusto ang ginawa ko na naman, pero hindi ako puwedeng matinag. Kakayanin ko ito.

"And who told you na ipagluto ako?" inis niyang tanong. Nakaramdam ako ng kaba pero bahala na.

"K-kasi tulog pa si Manang Lita. Ayoko namang istorbohin sila. Baka napagod kahapon sa pag-uutos sa mga katulong dito sa mansyon diba madami silang nilinis kahapon." paliwanag ko. Marami talaga kaming kasambahay dito.

Sila dapat ang nagluluto ng breakfast niya, pero kunwari lang talaga na sila kundi ako palagi ang nagluluto ng lihim. Kakuntsaba ko silang lahat sa pagsisilbi ko kay Lucas, kasi kapag nalaman niyang ako ang nagluto, hindi niya kakainin o di kaya'y sobrang kagagalitan niya ang mga kasama namin dito.

"Kaya nagprisinta akong magluto tutal naman wala akong ginagawa. Nakakabagot din kasi minsan." dagdag ko. Gusto ko lang kasing subukan ngayon.

Nagbabaka sakali akong kainin niya ang luto ko ngayon, kahit alam niyang gawa ko ito. Special kasi ang araw na ito para sa akin, ito kasi ang araw ng unang pagkikita namin.

---

Flashback

Three years ago - Cafeteria

Magkasama kami ni Bes na kumakain sa cafeteria. Break time namin ngayon kaya dito na lang kami kumain kaysa lumabas pa kami, nakakapagod oa kasing maglibot sa labas.

At syempre eto na naman siya sa hobbie niyang daldal nang daldal na walang kapaguran.

"Bes, grabe! Ang pogi ng prof natin kanina noh. Sobrang nng galing pa niyang magturo, kaya inspired palagi akong mag-aral, parang alam mo yon, di ako pressure. " sabi niya habang kumikislap ang mga mata. Lantod lang.

"Lahat naman ng guro natin, magaling magturo. Doon ka lang talaga nakikinig at nagpapasikat kasi crush mo," irita kong sagot, mga palusot din nito, hays.

"Syempre! Ang sarap kayang mag-aral kapag gano'n ang mukha ng nakikita mo, napaka hot ang gwapo, wala akong masabi sa kaniyang mali para siyang binuo na perpekto. Palibhasa wala kang crush kaya ganyan ka, napaka bitter!" pang-aasar niya sakin habang umiinom ng softdrinks.

"Kaya dapat kasi maging totoong babae ka na, iligid mo ang mga mata mo sa paligid mo para naman magkaroon ka ng inspirasyon sa buhay hindi yung boring ka." sigaw pa niya.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo para pumasok buti hindi kami magkasama sa susunod na subject.

Ayoko siyang patulan, pagdating sa pang aasar niya, magka iba kasi kami ng ugali at wala akong hilig sa crush, crush na yan.

Hindi din kasi matatapos ang pag tatalak niya, kaya umalis na ako. Naglakad ako nang diretso kahit tinatawag niya pa ako. Bahala siya dyan!

Seryoso akong naglalakad nang bigla na lang may bumangga sa akin.

"Ouch!"

Napaupo ako sa lakas at sobrang sakit ng balakang ko dahil sa pagbagsak ko. Sino ba 'yon?

"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," sabi ng boses ng lalaki. Nakapikit kasi ako dahil sa kirot.

"Anong sorry-" napatingin ako sa kanya at biglang nawala na lang ang inis ko. Parang bigla na lang naglaho.

"H-hi..."

Mukha siyang napaka gwapong anghel na binaba ng langit para sa akin.

"Miss, are you okay? Kailangan ka bang dalhin sa clinic?" kabado niyang tanong sakin at halatang kinakabahan siya.

Hindi ko marinig ang mga sinasabi niya dahil nakatuon lang ako sa napakagwapo niyang mukha, grabe tao ba talaga to?.

"Miss! Miss! "

"Ang gwapo mo po!" biglang ayon ang lumabas na salita mula sakin, shit nakakahiya!

Napatitig siya sakin na parang nabigla, Tumawa siya nang ma realize niya ang nakakahiya ko talagang nasabi.

"Ang dami ngang nagsasabi niyan sakin." sabi niya, sabay kamot sa ulo na parang nahihiya.

"By the way, I'm Lucas Samaniego. And you are?" Mabait niya pag pakilala sakin. inilahad niya ang kamay niya sa akin para tulungan akong makatayo.

Nang makatayo ako ay di ko pa din mabitawan ang kamay niya. Ngayon lang din kasi ako nakahawak ng kamay ng isang lalaki, napakalambot pala mg kamay niya at halatang mabango.

"H-hi. I'm Janine Arenas," sagot ko. Soon to be your wife, sa isip ko. Shete ano ba Janine?! Ang advance mo naman mag isip!

" Are you sure na hindi mo na kailangan dalhin sa clinic? Para kasing napalakas ang pagbagsak mo kanina." Nag aalala niyang tanong sakin.

" Okay lang talaga ako, promise. " Pero sa totoo lang ang sakit talaga ng balakang ko. Papahilot ko na lang kay Manang mamaya sa bahay pag uwi.

Nag-usap pa kami sandali, nagtanong lang ng mga iba pang bagay bagay about sa nangyayari school bago siya nagpaalam.

"Nice meeting you, Janine."

"Nice meeting you too, Lucas. See you again," sigaw ko habang papalayo siya. Sana magkita ulit kami.

End of Flashback

Nasa dining table na kami. Nilagyan ko siya ng kape sa tasa niya, inayos ko din ang plato at pati tubig niya ay inihanda ko na din, baka kasi mabulunan siya, mabyuda pa ko ng maaga.

Tinitingnan ko siya paminsan-minsan habang kumakain para makita ang reaksyon niya, kung nasasarapan ba siya o kung masaya ba siya sa pag aasikaso ko sa kaniya, pero poker face lang siya.

Lumapit na ako sa tabing upuan niya dahil mas magana akong kakain kung makakasabay ko muli siya.

"What are you doing?" malamig niyang tanong.

"Uupo at sasabay sa'yo mag-breakfast," sagot kong alanganin.

"Wag ka munang kumain. Tawagin mo lahat ng kasambahay. Sabay-sabay silang kumain kasama ko," utos niya.

Nagulat ako pero sinunod ko na lang.

Maya-maya, dumating na rin ang driver naming si Nilo.

"Umupo ka," utos ni Lucas sa kaniya.

Habang kumakain sila, ramdam ko ang pang-aalipusta nila sakin.

"Kung gusto mo, Janine, iha. Dito ka na lang sa upuan ko, para makakain ka na din. " magiliw na alok ni Manang. Lumapit ako para umupo doon, gusto ko kasi talaga siyang makasabay.

Pero biglang binitawan na lang ang hawak na kubyertos ni Lucas na pagalit at parang di nagustuhan ang gagawin ko.

"Kapag umupo siya riyan, aalis na lang ako."

Napangiti na lang ako kahit masakit.

"Enjoy mo na lang ang pagkain mo, hindi na ko uupo at sasabay. Basta kumain ka lang. " Kinakabahan ako dahil baka umalis na lang siya at di niya na kainin amg inihanda ko.

" Bro, masarap ang inihain niyang pagkain ah, pero di ka ba natatakot baka may ibang ilagay na naman siya dito para maakit ka." Pang aasar ng driver naming si Nilo na nakangisi sa akin.

Alam kong pati din siya galit sa nagawa ko sa amo niya na kaibigan kaya ramdam ko ang inis niya din sakin sa tuwing nakikita ko.

Sobrang nagsisi namam ako sa nagawa ko kay Lucas noon. Kapag naalala ko nga ang lahat sobra akong nahihiya sa kanila.

---

Flashback

Kailangan maging akin siya. Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba Lahat gagawin ko para hindi matuloy ang kasal nila...

Habang hawak isang bagay na makakatulong sakin para maging akin si Lucas.

End of Flashback

---

"Go to your room. Bumalik ka na lang kapag nakaalis na ako, hindi ako makakain sa tuwing nakikita yang pag mumukha mo. " malamig niyang utos.

Tahimik akong umalis.

Gano'n talaga siya.

Sanay na ako.

Patatatagin ko ang loob ko.

Dahil alam kong balang araw, magiging maayos din ang lahat.

Mahal ko siya at di ko kayang mawala siya sa akin.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
32 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status