Nang itanong ni Alexander ang linyang iyon, may halong pag-iingat ang boses niya, at may malalim na damdaming halos hindi niya maitago sa mga mata niya. Doon, napansin ni Violet na may kakaiba.Malamang hindi ito ang tingin ng mga normal na magkaibigan na matagal ng hindi nag kita. Kapag nakatingin siya kay Aera , may lambing pero pinipigilan, at halatang hindi iyon basta inosente.Bahagyang humigpit ang hawak ni Aera sa tasa ng tsaa. Yumuko siya nang kaunti at iniwas ang tingin sa sobrang diretsong titig nito, saka mahinahong sumagot,“Mabait siya sa akin.”Parang hindi nakuntento ang lalaking sa ganoong sagot. Muli siyang nagtanong, mas mahina ang boses pero may halong pagpupumilit,“Siguro mahal na mahal ka niya, no?”Mahal? Baka oo, baka hindi pa ganoon kalalim. Tutal, may minamahal na iba si Ethan noon, at palagi iyong pinapaalala ni Aera sa sarili niya.Pero ang pag-aaruga, pag-aalala, at pagtatanggol nito sa kanya ay totoong-totoo niyang nararamdaman. Ang respeto, suporta
Read more