Elysia's POV Napalingon ako sa direksyon ni Kellan. May kakaibang kislap sa mga mata niya. Something playful, something dangerous. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa sinabi niya. “Reverse?” ulit ko, kunot ang noo. Tumikhim siya at sumandal sa railings ng hagdan, parang wala lang sa kaniya ang eksenang kakakita lang namin. “As in reverse,” he repeated casually. “Kung ano ang ginagawa nila, gawin din natin.” Napakurap ako. “Are you serious?” halos pabulong kong tanong. He smirked. “Why not?” Napailing ako at naglakad na papunta sa dining area, pero sumunod siya agad sa likod ko na para bang anino ko. “Hindi mo ba nakita?” dagdag niya. “They’re clearly enjoying themselves.” Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. “Alam ko,” singhal ko, halos manginig ang boses ko. “Kailangan mo ba talagang ulit-ulitin mo?” Ang sakit e. Ang sakit-sakit. This is a lot worse than the first time he betrayed me. Kasi ngayon, I actually hope everything was g
Read more