Nang makita ni Luke na papaalis na si Nate, agad niyang hinarangan ang daraanan nito at matamis na ngumiti."Kuya Nate," masigla niyang bati.Bahagyang nagulat ang lalaki pero kalaunan ay tipid ding ngumiti pabalik. "Luke. Fancy seeing you here.""Medyo matagal din tayong hindi nagkita ah. Mukhang masyado kang busy sa negosyo."Napatango si Nate. "You're right. I am a very busy person indeed," may diin niyang bigkas habang kalmadong nakatingin sa lalaki."Yeah, right," tugon ni Luke habang may hilaw na ngiti sa labi.Hindi naman siya bobo para hindi maramdaman kung ano ang nais ipahiwatig ni Nate. Busy ito at nais na nitong umalis. But that's not the point here."Oo nga pala, kasama ko si Mommy Sofia," aniya at iminuwestra ang table nila.Matamis namang ngumiti ang ginang kay Nate. "Magandang araw, hijo.""Magandang araw din, Sofia," bating tugon ni Nate bago dumako ang tingin sa babaeng kasama ng ginang.Nang makita ni Luke ang reaksyon ni Nate, sinamantala niya agad ang pagkakataon
Read more