Matapos manggaling sa ospital, dinala siya ni Luke sa isang mamahaling restaurant. Habang kumakain sila ay asikasong-asikaso pa siya ng lalaki na labis niyang ikinatuwa."Do you have any news about, Ate Barbara, Luke?" Bigla niyang tanong.Napalingon naman si Luke sa kanya bago nagsalita. "She's at her shabby apartment, why?"Agad na rumehistro ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Okay lang naman siya hindi ba?"Hinawakan naman ni Madam Sofia ang kanyang kamay at marahan na pinisil. "Stop thinking about her, hija. Hindi ka dapat na naiistress lalo pa at nagdadalantao ka.""I just can't help it, Tita. Sigurado akong masama ang loob ni Ate sa akin."Isang masuyong ngiti ang sumilay sa labi ni Madam Sofia bago ito muling nagsalita. "Wala kang kasalanan, Celine. Si Barbara ang may pagkukulang sa pagsasama nila ni Luke kaya wala siyang karapatan na magalit sayo at sa anak ko. Hayaan mo na siya. Ang mahalaga ay hindi na niya kayo guguluhin pa.""Pero... Nagpunta po kasi siya sa Oceana kahapon,
Read more