HER POV Si Chris pa rin kasi sa puso at isipan niya. May katiting na puwang pa rin sa puso niya ang umaasa na puwede pa rin sila ni Alexis pagdating ng araw kahit suntok sa buwan ang pag-asa na iyon. "Wow... ang dami naman ng pagkain for breakfast, ang galing naman ng wifey ko, ikaw ba ang naghanda ng lahat ng iyan, misis?," natigil siya sa pagmumuni- muni habang nakaupo sa mahabang dining table at naghihintay kay Mark. "It's Gigi, hindi ko kayang lutuin ang lahat ng ito, remember pinagod mo ako kagabi?," maarte at makahulugan niyang sabi. "But of course wifey, hindi kita papagurin sa gawaing bahay, sa romansa lang," halakhak pa nito. "Sira! Kumain na nga tayo!," saway niya na nagsimula ng maghain sa kanyang plato ng pagkain. "Ooopsss, wifey, hindi mo ba ako pagsisilbihan?," biglang abot pa nito ng kamay niya para pigilan siya sa pagkain. "Mark, kailangan pa ba? Mahuhuli na tayo sa trabaho!," turan niya. "But of course, misis ko, asawa na kita ngayon and as my legal wi
Last Updated : 2026-05-21 Read more