Her POV "Uhmnnn, misis ko, ang sarap mo talagang papakin kung hindi ka lang buntis sa magiging baby natin, kanina pa kita inangkin," mapang-akit na anas ni Mark na ikanagising niya dahil nasa ibabaw na siya nito. "Uhmn... morning, Mark.... huwag!," hintakutan niya. Nalusaw ang biglaang kaba niya ng dumukwang ang asawa at kinintalan ng masuyong halik ang kanyang maumbok na tiyan. Bigla namang naglumikot ang kanyang baby girl sa loob niya. "Easy, baby girl, mommy might get hurt, behave while daddy is at work, okay?," parang nakikipag-usap lang si Mark sa batang paslit sa harapan nito at para namang may mahika ang boses ni Mark dahil agad din namang tumigil sa pagsipa ang baby niya. Agad din itong umalis sa ibabaw niya at inayos ang sarili. Doon niya pa napansin na nakasuot na pala ito ng pang-opisina na siya mismo ang nag plantsa at umayos kagabi. Abala na si Mark sa pag-aayos ng kurbata nito ngunit tila hirap itong maiporma ng maayos. "Misis ko, please fix this," he helples
最後更新 : 2026-05-27 閱讀更多