… nasasaktan ako.Bawat pagnguya ko parang mas lalo lang akong nahihirapan na panoorin ang eksena nila.Ang bawat pagtawa ni Hannah, ang bawat malambing na sagot nina Black at Hunter sa kaniya, mas lalo akong na-o-out of place.Napayuko ako, mahigpit na nakahawak sa tinidor ko. Nakita ko ang isang patak ng luha na nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata ko, kaya bago pa man may makapansin, mabilis akong tumayo.Natahimik ang mesa. Napatingin silang tatlo sa akin.“A-Ate Yna? May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Hannah.Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay bibigay na ang mga tuhod ko. “B-busog na ako, Hannah. Ang sarap ng luto mo, kaso... k-kumain narin kasi ako kanina sa unit namin, nagluto din kasi ako ng agahan...”“Gano’n ba? Kung gano’n nakapag-almusal na pala kayo ni Kuya?”“H-Hindi, ako lang. Ayaw ng kuya mo yung niluto ko…” ngumiti ako ng mapakla at tumingin kay Black, “Mas gusto niya ‘yong hinanda mo, masarap naman kasi talaga, pero sorry talaga… b-busog ako.” pilit
Last Updated : 2026-06-01 Read more