Ang gabi ay tahimik—masyadong tahimik para sa isang lungsod na bihirang matulog.Sa loob ng isang abandoned tech facility sa labas ng business district, nagsimula ang laro.Ito ang lugar na pinili ni Veronica.Isang perfect na bitag.At alam nina Elena at Alexander iyon mula pa sa simula.Sa gitna ng malawak na warehouse ay may nakahandang setup—mga ilaw na nakatutok sa isang central platform, mga hidden cameras, at isang network uplink na konektado sa global media grid.Hindi ito simpleng ambush.Isa itong staged capture.Isang eksenang planong ipakita sa mundo.Sa loob ng isang control van na nakapark ilang metro mula sa facility, tahimik na pinagmamasdan ni Alexander ang live feed sa screen.Sa tabi niya ay nakaupo si Elena, ang kanyang mga mata ay bahagyang nakapikit.Hindi siya natutulog.Nakakonekta siya.Ang system ay gumagalaw sa loob ng isip niya—mga signal, data streams, at mga network nodes na parang buhay na mapa ng mundo.Nararamdaman niya ang bawat camera.Bawat uplink.
Read more