Siya mismo ang perpektong halimbawa ng taong nauubos agad ang pera pagkakuha pa lang nito. Buti na lang at kalaunan, natauhan siya. Pagkatapos niyang ikasal kay Sven, hindi pa kasama ang mga bagay na ibinigay nito sa kanya, ang mahigit sampung commercial properties pa lang na ibinigay ni Lolo Joseph ay sapat na. Buwan-buwan, napakalaki ng kinikita ng mga iyon. Ngayon, masasabi nang isa na siyang tagong mayamang babae.“Sige, just come home. Anyway, when the day comes that I’m gone, the Dizon Corporation will be yours anyway,” ani Lolo Mikael. Hindi ito masyadong inisip ng matanda. “Sooner or later, the Dizon Corporation will end up in your hands. It’s better if you learn how to run it early.”Sanay na siyang tinatanggihan siya ni Nevaeh kaya hindi na siya masyadong umaasa. Dati, palagi nitong sinasabi na wala siyang interes. Hindi raw niya kayang mag-manage ng kumpanya at sinabi pa na kapag ikinasal na siya kay Jeston, ipapaubaya niya na lang dito ang pagpapatakbo. Nakakatawa. Akala
Baca selengkapnya