Nakatitig ako sa itim na maskara ng lalaki, pilit na hinahanap ang kaniyang mga mata o anumang pamilyar na bakas sa kaniyang mukha. Subalit wala. Maging ang kaniyang boses na buo, malamig, at tila nagmumula sa lalim ng lupa ay walang anumang hatid sa aking alaala na pagkakakilanlan."Kilala kita, Aila," marahang simula ni Black Mask habang sumasandal sa kaniyang upuan. "Sa katunayan... napakatagal na nating magkakilala. Marami na rin tayong pinagsamahan."Nandilat ang aking mga mata. Umiling ako nang mabilis, halos mabilaukan sa sarili kong laway sa matinding pagtataka."A-Ano'ng sinasabi mo?" nauutal kong ganti habang nanginginig ang buo kong katawan. "Nalilito ka lang! Hindi kita kilala! Kailanman ay hindi kita nakasama o nakita man lang! Pakiusap, pakawalan niyo na ako rito, wala akong kinalaman sa pamilyang 'yan!""Tumahimik ka!"Isang marahas na sigaw ang sumabog mula sa aking likuran. Bago pa ako makareact, marahas na hinawakan ni Anthony ang aking buhok mula sa likod at iniyuko
Read more