THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 128ALICEBilisan mo na Alice, ibigay mo na sa akin si Leo, dahil kailangan ko siya, 'wag mo akong hintayin na magalit Alice, kilala mo ako," malalim akong na-pahinga, dahil sa sinabi ni Daddy. "Kung ayaw mong magalit ako, bilisan mo na." Kinuha ko ang phone ko, at tinawagan ang tauhan ko. "Napatay niyo na ba siya?" tanong ko rito, matapos nitong sagutin ang tawag ko. "Hindi pa boss, buhay pa siya," sagot ng tauhan ko sa akin. "Mabuti kung gano'n, dalhin niyo siya sa baba ng opisina ko." "Masusunod boss." Sagot ng tauhan ko, kaya mabilis kong binaba ang phone ko. "Hintayin mo nalang siya sa baba.""Bakit do'n?" "Gusto mo bang may makakita sa kanya rito?" "Hindi.." seryosong sagot sa akin ni Daddy. "Mukhang nagbago kana ngayon, at hindi ko alam na magawa mo siyang gantihan.""Ikaw ang nagturo sa akin nito Dad," sagot ko sa kanya, habang malawak siyang ngumiti. "Mabuti kung gano'n, dahil ayokong maging mahina ka at lalong ayokong may
Read more