THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 69ALICEMatapos kong binihisan si Cody, ay hindi ko muna siya hinatid sa kanila, dahil ayaw niya pa rin akong bitawan, kahit hindi niya nakikita ang buong mukha ko, ay tinatawag niya pa rin akong mommy. “Cody..” Mahina kong sambit sa kanya, habang hinaplos ko pa rin ang likod niya. “Anak, baka hinahanap kana ng daddy mo.” “Hindi niya ako hahanapin, kasi ikaw ang hinahanap niya,” hindi ko mapigilan na magulat, dahil sa kanyang sinabi. “Ako?” Ulit kong wika, habang mabilis siyang tumango sa akin.“Hindi naman ikaw ang nasa bahay mommy..” “Anak, siya ang tunay mong ina, ang mommy Ruby mo.” Wika ko, habang tiningnan niya ang mukha ko, at hinaplos. “Ikaw ang mommy Ruby ko..” Hikbing wika niya sa akin, kaya muli ko siyang niyakap nang mahigpit. Kung pwede ko lang sana siyang angkin, ginawa ko na ‘yon, pero ayoko na pati siya ay mapahamak. Nang makatulog si Cody, ay agad kong tinawagan ang tauhan ko. Gusto kong maghanap siya ng taong, pweden
閱讀更多