THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 41ALICE“Colt, akala ko ba mahalaga ang trabaho mo ro’n? Bakit hindi ka pa bumalik?” tanong ko kay Colt, dahil nasa tabi ko lang siya, at parang wala na siyang balak na bumalik sa ibang bansa. “Mas mahalaga kayo sa akin, kaya kinausap ko si daddy, na siya na muna ang bahala ro’n, dahil ayoko muna kayong iwan, lalo kana.”“Kaya ko naman ang sarili ko, may mga katulong din naman tayo.”“Ayokong maulit ang nangyari Ruby, ayokong bigla kana namang mahimatay na wala ako.” Nailing ako, dahil sa kanyang sinabi. “Hindi na mauulit ‘yon.” “Wala akong pakialam, basta ang gusto ko, ay nasa tabi mo lang ako.” Muli akong nailing, dahil sa kanyang sinabi. Napatingin din ako sa mga prutas na binili ni Colt, dahil sa sobrang dami nito. “Sino ba ang pakakainin mo n’yan?” tanong ko sa kanya. “Ikaw, para maging malakas ka at ang magiging anak natin,” napangiti ako, dahil sa kanyang sinabi.“Sa tingin mo kaya kong ubusin ‘yan?” Tanong ko sa kanya, habang ma
Read more