Kabanata 14 “Where are you?” Sa gitna ng maingay na night market, halo-halong boses, tawanan, at sigaw ng mga nagtitinda ang bumabalot sa paligid, pero malinaw pa rin ang boses ni Wade sa kabilang linya. Parang hindi sanay sa gulo ng lugar na kinaroroonan niya. Napatingala si Athena sa dagat ng tao sa paligid niya. Mga magkakaibang mukha, naglalakad nang nagmamadali, may bitbit na pagkain, may naghahanap ng mauupuan. Halata agad sa isip niya na hindi sanay si Wade sa ganitong lugar. Most likely, naligaw siya. Halos mapangiti si Athena sa naisip. President Hollander… naliligaw sa night market. Pinipigil niya ang tawa habang nagsasalita. “I’m coming to find you,” sabi niya sa mahinahong tono. Huminga siya nang konti at nagdagdag, “Send me your location, or tell me kung anong landmark ang nakikita mo. Usually may mga malalaking billboard dito.” Sanay na siya sa lugar na iyon. Madalas sila ni Elaine doon pagkatapos ng duty, lalo na kapag gusto nilang mag-unwind at kumain ng kung
Terakhir Diperbarui : 2026-05-11 Baca selengkapnya