Nakaramdam ba siya ng kahihiyan? Ang pagkakaroon ba ng koneksyon sa kanya ay isang bagay na dapat nitong katakutan at iwasan nang husto? Napakunot ang noo ni Jonathan dahil sa biglang sumibol na inis sa kanyang dibdib.Mahigpit na kinagat ni Amanda ang kanyang labi… "Ikaw ang Boss, kaya madali lang sa iyong sabihin na walang problema! Paano naman ako na isang simpleng assistant lang? Isang bugso lang ng mga tsismis at panghuhusga mula sa iba, tiyak na lulubog na ako nang tuluyan."Kahit pa sabihin nating si Jonathan naman ang nagpapakita ng motibo at nagpilit sa sitwasyong ito, may magagawa ba ang ibang tao laban sa kanya?Wala!Sa huli, ang lahat ng sisi at maruming reputation ay ibabato lamang sa kanya. Malamig ang mukhang umiling si Jonathan.. "Sinuman ang angahas na husgahan ka, ipapatalsik ko agad sa kumpanya.""Imposible namang tanggalin mo silang lahat. Isa pa, kapag nagbubulungan na sila sa likuran mo, may magagawa ka ba?" tanong niya kay Jonathan.Nakasimangot na pakiusap ni A
Leer más