KARA'S POVSa mga nakalipas na linggo, ibinuhos ko ang buong sarili ko sa OJT. Para bang kapag nilunod ko ang sarili ko sa trabaho, tatahimik din ang kaguluhang bumabagabag sa isip ko. Halos araw-araw kaming palipat-lipat ng construction site. Tirik ang araw sa ibabaw ng mga helmet namin habang umaalingawngaw sa paligid ang tunog ng bakal, semento, at iba't ibang makinang ginagamit sa site. Nakatuon ang isip ko sa mga checklist, sukat, report—kahit ano, basta may ginagawa ang mga kamay ko at hindi ako naiwan mag-isip."Tapos na ang checklist?" tanong ni Sancha isang umaga habang inaabot sa akin ang tablet."Oo," mabilis kong sagot sabay pilit ng munting ngiti. "Ipapasa ko pagkatapos ng lunch."Sinisiguro kong kalmado ang boses ko. Normal. Walang makakahalata sa bitak na pilit kong itinatago. Pinipilit kong maging maayos, maingat, at kontrolado. Tumatawa ako kapag kailangan. Tumatango kapag kinakausap. Kunwari ayos lang ang lahat para hindi mahalat
Terakhir Diperbarui : 2026-07-20 Baca selengkapnya