HANNAH'S POV"Hannah, salamat". Umiiyak na si Samantha ang sumunod na lumapit sa akin at niyakap ako. "Salamat Hannah at hindi ako ang pinatay mo". "Hindi ako ang pumatay kay Eva, Samantha". Kumalas ako sa pagkakayakap nya sa akin. "Lumayo ka na sa akin habang may oras ka pa". "Pero hindi ba inutusan mo si Gino na patayin ako at si Valerie? Si Elio? inutusan mo din ba sya na patayin nya ang mistress nyang si Eva? sya ba ang may gawa nun kung hindi ikaw?". "Masyado kang madaldal. Manahimik ka na kung ayaw mong ikaw mapag initan nila". Tangka na sana akong aalis sa tabi nya nang muli nya akong hilain. "Wag na muna ako ang isunod mo Hannah. Tutulungan kita, sinong uunahin natin"?.Isang irap ang isinagot ko sa kanya at hinila ang laylayan ng damit kong hawak hawak nito.Hinawakan ko sya sa kanyang panga."Mistress ako ni Greg, mistress ako ni Gino, mistress ako ni Elio at protektado ako ni Giovan", mariin kong paalala sa kanya. "Sa tingin mo ba kailangan ko pa ng isang katulad mo?".
더 보기