Kahit masakit na sa balat ang tirik na araw ng alas nwebe ay napahandusay na lang sa buhanginan sina Valerie at Samantha. Puro sigaw at iyak ang maririnig mula sa kanila ngunit wala ni isa kina Hannah, Mira at Eva at Elise ang lumapit para pagaanin ang kanilang loob. "Nakatingin sila sa atin, wag kayong lilingon". Bilin ni Mira. Sa tapang nya kagabi ay kaya nya silang pamunuan kung magkaka sundo sundo silang kikilos bilang grupo para labanan ang magkakapatid at si Don Enriquetto. "Also that old woman Violeta, don't go on her bad side, alam mo na ang ibig kong sabihin". Tumingin sya kay Hannah."Yang dalawang mahina na yan, hayaan lang natin. Mas okay na magtagal sila para nasa kanila ang atensyon". Napapa isip na din si Hannah kung tatanggapin nya ba bilang lider si Mira, hinihintay nyang sumang ayon si Elise bago sya magsalita at magbigay ng opinyon. "Hawak ko si Vito pero wag nyo syang gagalitin, that man is a psycho. Swerte lang ako at mahal na mahal nya ako", muli ay si Hannah n
Read more