NAHULOG ANG PANGA ni Kai sa palaban na sinabing iyon ni Isla sa harapan ng maraming tao. Ibang-iba na talaga ang aura ng babae kumpara sa dati na hinahayaan lang ang ibang tao na apakan ang pagkatao niya at apihin din ng kung sino. “You usually spoil Miss Morgana quite a bit, Mr. Kensington, Mr. Sandaga.” bulalas ni Kai na ipinakita na ang pagkadismaya sa kanyang mukha, nilingon na ang matanda na tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan. “Even now she's coming to my company, is bossing me around? Iba din ang trip niya ha? Sino ba siya sa akala niya? Entitled person?”Napakurap naman ng mga mata si Shirley na bahagyang napahiya, ngunit agad na pinagpag iyon sa kanyang balikat. “Mr. Lane, don’t get me wrong—” “I am not, Miss Morgana. Hindi normal na employee lang dito si Miss Montgomery, for your information.” Hindi pinaniwalaan iyon ni Shirley. Malamang ay kakampihan ito ng lalaki. Even when she saw Isla, Silas legal wife, she made no attempt to hide it, showing her nothing but
Magbasa pa