BEFORE ISLA EVEN stepped outside, she saw that the door to the next room was already open. Silas and Shirley walked out at the same time. Because their gazes were forward, they did not see that Isla was watching them come in and out together. Lingid sa kaalaman ni Isla na maagang tinungo ni Shirley ang suite, nagbabaka-sakali na makita dito ang lalaki. Para hindi magising si Isla sa ingay ng doorbell kanina, minabuti ni Silas papasukin na lang ito. Ayaw niyang masira pa ang araw nila.“Anong ginagawa mo dito?” pagbukas ng pinto ay iyon ang unang tanong ni Silas kay Shirley. “Masama ba? Di ba sabi mo kahapon pwede mo akong i-tour dito sa suite mo ngayon?”Totoong nangako si Silas kay Shirley pero hindi niya sinabing pumunta ito ng maaga. Saka, hindi niya rin sukat akalain na naroon pa si Isla. Buong akala niya ay nakaalis na ito. “Seriously, Shirley? Ng ganito kaaga?”“Oo, may problema ba? Alam mo naman na may lakad ako mamaya kaya inagahan ko na.”Nilingon ni Silas ang silid na kina
Magbasa pa