ALMARIE GRACE“Ungrateful brat!” sigaw niya sa akin at bigla na lang niya akong sinampal.Ang lakas ng sampal niya sa akin. Medyo nakaramdam ako ng hilo sa ginawa niya sa akin. Akmang sasampalin na naman niya ulit ako ng may sumalag sa kamay niya.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” malamig na tanong ni ninong sa pinsan niya.“Roderick, ano ang ginagawa mo?”“Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan? Hindi mo na talaga nirerespeto ang bahay ng kuya ko!”“Hindi rin naman niya dapat iniwan sa sampid na ito ang lahat.”“Ano naman kung iniwan niya kay Grace? Ano naman ang pakialam niyo sa kung ano ang mayroon ang kuya ko?”“Talagang kakampihan mo ang babaeng ‘yan?”“Kung ako sa ‘yo ay umalis na lang kayo. ‘Wag na kayong bumalik dito kung gagawa lang naman kayo ng gulo. Ano man ang iniwan ni kuya para kay Grace ay sa kanya na talaga ‘yon. Kaya ‘wag na kayong gagawa ng kahit na anong gulo.”“Wala siyang karapatan sa kahit na ano–”“At sino ang may karapatan? Ikaw? Kayo? Sino ba kayo? Imbis na
続きを読む