ALMARIE GRACE“Ano ba ako para sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.“Ikaw ay–”“Ay ano? Siguraduhin mo na maganda ang sasabihin mo sa akin,” sabi ko sa kanya.“Ikaw ang pinakamahalaga na pangit sa buhay ko,” sabi niya kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin.“Alam mo, nakakainis ka na talaga. Akala mo naman ang guwapo mo,” sabi ko sa kanya dahil talagang nilalait na talaga niya ako. Sa ganda kong ito, ako ang pinakamahalagang pangit niya.“Guwapo naman talaga ako. Malabo lang kasi ang mga mata mo,” nakangisi na sabi pa niya sa akin.“Excuse me, mas marami ang guwapo sa school at ikaw ordinary na lang ang mukha mo,” sabi ko sa kanya na naging dahilan para kumunot ang noo niya at mawala na ang guwapo niyang ngiti.“Akala ko ba ako ang pinakaguwapo para sa ‘yo?” tanong niya sa akin.“Noon ‘yon, ninong. Akala ko kasi ikaw, pero mali pala ako. Mas marami pala ang guwapo dito sa US kaysa sa Pinas,” pang-aasar ko sa kanya.“Uuwi na pala ako sa Pilipinas, hindi na pala ako,” parang bata na nagtatam
Last Updated : 2026-05-20 Read more