"Kuya nga!" "Tumigil ka Sheena, hindi ka puwede sumama sa outing na iyon na walang kasama!" "Kuya Jamie naman, eh di samahan mo ako." "My business trip ako sa Canada." Nakasimangot ako na nakatingin sa kan'ya. Inayos ko ang salamin ko na muntik na mahulog. "Bakit Ayaw niyo akong payagan? Malapit na ako mag 19!" "Pumasok ka na, mahuhuli ka na sa klase mo." "I hate you Kuya!" Humarap ito sa akin. "You're still our baby." hinalikan niya ako sa noo. Tumayo na ako at padabog lumabas ng kuwarto niya. Wala sila Mommy at Daddy, nasa Spain sila for vacation. "Good morning po Manong," bati ko sa family driver namin, sumakay na agad ako sa kotse. "Good morning Senyorita." Inayos ko muna ang magulong buhok ko. Mamaya yayain ko si Zen, ang aking bestfriend na pupunta sa parlor. Nag-aaral ako ng Med course, pangarap ko talaga maging isang surgeon. After 45 minutes nakarating na ako sa University. "Salamat po Manong, ingat po sa pag drive." "Ingat ka din Senyorita." "Hoy, nerd!"
Last Updated : 2026-05-26 Read more