DAMIEN HARRINGTON POV – 6 YEARS OLD. 6:00 AM. KUSINA"Pa pa! Hindi na ako kakain! Late na po ako!" sigaw ni Victor habang nagmamadaling tumakbo palapit sa lamesa. 6 years old na siya ngayon, naka-uniporme ng Grade 2—bagong gupit, bagong backpack, bagong sapatos, at may dalang kakaibang liwanag sa mga mata niya na hindi ko nakita noon. Parang may dalang kilig ang buong pagkatao niya."Victor, anak, kumain ka muna ng konti," malumanay kong sabi sabay ilagay ng mainit na scrambled egg at toast sa plato niya. "Bakit ba nagmamadali nang ganyan? May mahalaga bang gagawin sa school?"Napayuko siya agad, namula ang buong pisngi hanggang tenga. "Wala naman po, Pa pa. Gusto ko lang po makarating nang maaga."Sa kabilang upuan, nakaupo si Isabelle—kambal niya, parehong 6 years old. Walang pakialam sa paligid, tuloy-tuloy lang ang pagkain niya ng tinapay. Bigla siyang tumigil, tumingin kay Kuya, at ngumisi nang malaki."Kuya... may crush ka no?" asar niya nang malakas."GAGO, Isabelle!" bulong ni
Read more