"Thank you, Tito Roberto, Tita Stella," malambot na tugon ni Danica. Tinitigan ni Matthew ang kanyang buong pamilya habang nakakapit ang kanyang mga daliri sa kamay ni Danica. "Thank you for believing in us when everything was falling apart," tapat na pahayag ng lalaki. " We wouldn't be standing here tonight without all of your love and support." Naging napakainit at puno ng emosyon ang buong gabi. Nagkapalitan ng mga yakap, tawanan, at pasasalamat ang dalawang pamilya habang ang mga bata na sina Yanyan, Kaelan Sean, Kaelan Sienna, Mithi, at Mayumi ay masayang naglalaro sa gilid ng silid. — PAGKALIPAS ng dalawang araw, lumipad sina Danica at Matthew patungong Batanes para sa kanilang ocular visit at pre-wedding photoshoot. Maliwanag at maaliwalas ang kalangitan sa ibabaw ng Basco, Batanes. Ang malamig, sariwa, at maalat na simoy ng hanging-dagat ay umiihip sa malalawak at matatayog na luntiang burol ng Marlboro Hills. Sa malayo, ang kulay asul na karagatan ng Pacific Ocean at W
Magbasa pa