Halatang namutla si Leslie sa narinig. Salitan ang pamumula at pamumutla ng kanyang mukha, saka niya marahang ibinaba ang tingin. Sa isang iglap, napalitan ng labis na nasaktang ekspresyon ang kanyang mukha.Bahagyang nanginig ang kanyang mga labi, at tila anumang sandali ay mapapaiyak na siya."I'm... sorry...hindi ko naman sinasadya..."Putol-putol ang kanyang boses, puno ng pag-aalinlangan at panghihinayang. Ang itsura niya ngayon ay parang isang inosenteng kunehong walang kalaban-laban na inaapi sa harap ng napakaraming tao.At gaya ng lagi… Madaling naniwala ang mga tao. Sa loob lamang ng ilang segundo, nagsimula nang umugong ang bulungan sa buong banquet hall."Sandali... siya ba talaga si Serenity ng Castro?""Siya nga yata 'yong dating asawa ni Mr. Nathan Tomas, hindi ba?""Naaalala n'yo ba ang ginawa niya noon? After everything, may mukha pa pala siyang tratuhin nang ganoon si Leslie?""Siya ang nagtulak kay Leslie sa hagdan noon! Hanggang ngayon nga, hindi pa rin maayos ang
Terakhir Diperbarui : 2026-07-21 Baca selengkapnya