Matapos ang gabing iyon, nag-siuwian na rin kami at si Brion ang naghatid sa akin pauwi. Pagkatapos ng gabing iyon, hindi naman na ako minessage ni Zhean. I guess he's really bored with his life, that's why he enjoys playing around and chasing me.Pero hindi na, Alessa. Matalino ka, huwag ka nang maging tanga ulit para magpagamit sa kanya.Lumipas ang mga sumunod na araw na parang bula, naging abala ako nang husto sa office hanggang sa dumating ang holiday. Dahil doon, balak ko sana na magpahinga na lang muna sa apartment ko at maglinis dahil matagal-tagal ko ring hindi nagawa. Habang nagliligpit, tinawagan ko si Auntie Bing, ang kapatid ni Mama."Tita Bing, kamusta po si Mama?" tanong ko agad."Mas gumaganda na ang pangangatawan niya ngayon, Alessa, kaya huwag ka na masyadong mag-alala," sagot niya sa kabilang linya."Salamat po, Auntie. Hayaan niyo po, kung hindi ako masyadong busy, uuwi ako para dalawin si Mama.""Gusto mo bang kausapin ang Mama mo?""Sige po, Tita."Ilang saglit l
Última actualización : 2026-07-30 Leer más