Ang gusto ni Mayumi ay isang simpleng kasal lang kasama ang mga mahal nila sa buhay sa komunidad ng mga Dumagat. Tinupad naman iyon ni Kuatro, kaya lang, dahil nga mahilig sumunod sa tradisyon ang kasintahan niya, sinunod nila kung paano ba magpakasal ang mga Dumagat. Una, hiningi muna ni Kuatro ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga magulang. Namanhikan ang buong pamilya nito sa kanila sa Maynila, at ganoon din kay Ka Esmael na siyang itinuring niyang pangalawang ama. Nagbigay rin si Kuatro ng tinatawag na dowry o bigay-kaya. Subalit hindi para sa kaniyang mga magulang, dahil kalabisan na raw kung hihingi pa ang mga ito ng kung anuman kay Kuatro, sapagkat labis-labis na raw ang ginawa nito para sa kanilang pamilya. Nagbigay ng dowry si Kuatro sa tribo ng mga Dumagat. Ayaw na rin sana iyong tanggapin ni Ka Esmael pero mapilit ang lalaki. Kung ano-anong hayop na puwedeng pakinabangan ang ibinigay nito kagaya ng mga
Last Updated : 2026-08-20 Read more