“Mayumi! Mayumi!” Malakas na kinalampag ni Kuatro ang pinto ng unit nina Mayumi. Subalit, nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas. Kaya naman mas lalong gumapang ang takot sa kaniyang puso. Ang sabi sa kaniya ng mga magulang nito ay hindi raw makontak ang babae. He also tried calling her pero unattended ito. “Sir, kami na ho ang bahala rito,” anang pulis na katabi niya. Kasama niya ang mga itong nagpunta roon, pati na sina Atty. Salviejo at Atty. Nolasco. Kaagad na pinirmahan ni Elias ang warrant of arrest para kay Ferdinand nang marinig nito ang nangyari kay Mayumi. Hindi niya alam kung dapat ba niya iyong ikatuwa, pero nakikita niya kanina sa lalaki ang galit na kapareho ng nadarama niya. Wala siyang panahong magtanong kay Dheyna ng dahilan, pero sa mga sandaling iyon pa lang, kahit may hindi pa rin sila pagkakaunawaan ng lalaki ay nagpapasalamat na siya kaagad dito. Alam niya, magagawa na niya ang isa sa
Last Updated : 2026-08-15 Read more