“H-help, please . . . H-help me . . .”Napamulat si Kuatro kasabay ng pangungunot ng kaniyang noo. Naroon siya sa kaniyang sala, sa loob ng condo niya at sandaling nagpapahinga, habang hawak-hawak ang isang canned beer.Lumipad ang kaniyang mga mata kung saan niya naulinigan ang mahinang tinig na iyon— nakikiusap, may bahid ng pag-iyak. Hindi niya alam kung totoo ba iyon, o guni-guni lang dahil sa pagod na nadarama.Ilang sandaling katahimikan ang dumaan. Nanatili siya sa kinauupuan habang hinihintay kung mauulit pa ba ang narinig, pero wala naman. Binalewala niya na lang iyon dahil wala rin naman siyang inaasahang bisita. Isa pa, alas-dos na iyon ng madaling araw!“H-help! P-please . . . H-help me,” anang tinig na nagmumula sa isang babae. Sa pagkakataong iyon, mas klaro na iyon sa kaniyang pandinig, lalo na nang sabayan pa nito iyon ng pagkatok. Mahina lang iyon, halatang ayaw makabulabog sa mga katabi niyang unit.Dahan-dahang tumayo si Kuatro. Ipinatanong niya ang hawak na beer sa
Last Updated : 2026-07-24 Read more