CHAPTER 12ZANIYAHBandang alas-singko y medya, nasa waiting area pa rin ako.Mahigit isang oras na simula nang umalis si Aamon. Tiningnan ko ang cellphone ko, pero wala pa ring tawag o message mula sa kanya.Nagtext ako.[Are you done?]Walang reply.Pinilit kong huwag mainis.Sinabi naman niyang one or two hours.Bandang alas-sais y medya, tumawag ako.Hindi niya sinagot.Napabuntong-hininga ako at ibinalik ang cellphone sa kandungan ko.May emergency lang siya, Zaniyah. Huwag kang praning.Pero pagsapit ng alas-siyete y medya, hindi na talaga ako mapakali. Halos tatlong oras na mula nang umalis siya at ni isang message, wala.Paminsan-minsan, napapatingin ako sa glass doors ng clinic sa tuwing may headlights na dumadaan sa labas.Pero walang Aamon.Bandang alas-otso y medya, nagsimula nang magligpit ang mga staff. Lumapit sa akin ang receptionist habang may hawak na ilang folders.“Ma’am Zaniyah, may susundo pa rin po ba sa inyo?” magalang nitong tanong habang pasulyap na tumitingi
Huling Na-update : 2026-09-24 Magbasa pa