Sa entrance. Magkasamang nakatayo si Odessa ang nanay ni Olivia at si Armando na tatay ni Jane para batiin ang mga bisita. Nang makita ni Olivia si Jane, hindi man lang ito nagulat. Ngumiti si Armando at at humakbang palabas, na tila walang kahit anumang pagka ilang sa kabila ng maraming taong pagkakalayo, “Jane, napakaswerteng pagkakataon! Nagce-celebrate din pala ang lolo mo at ang kapatid mo dito. Ano kaya kung pagsamahin na lang natin ang mga rooms?” Malamig ang mga mata ni Jane, “magkakilala ba tayo?”Lumalampas na sa sampung taon mula nang huli silang magkita. Napakaplastik pa rin ni Odessa sa harap ng ibang tao. Napasimangot si Armando, saka bumuntong-hininga, “Jane, iniisip lang ni papa ang kapakanan mo. Samahan mo si Terrence at Olivia sa interview at magkasama silang dadating mamaya. Birthday din ni Oliver ngayon. Ang lolo mo ay napakatanda na, hindi siya dapat masapawan ng isang bata. Pumasok na kayong dalawa, kumain, magsindi ng kandila at makisalo sa saya, diba?”Maki
Terakhir Diperbarui : 2026-09-06 Baca selengkapnya