Amira's POV Dahil sa naging matagumpay at emosyonal na trust fall namin kagabi, mas lalong naging magaan ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko si Vaughn. Nawala na ang mga matitigas na tingin at ang mga pormal na pader na dati niyang ginagamit. May bago nang init sa aming mga pag-uusap na pareho naming nararamdaman. Nang sumapit ang gabi, pumasok ulit ako sa study room para sa panibagong pagsasanay. Naabutan ko si Vaughn na nakatayo sa gitna ng silid habang hawak ang kulay itim na panyo. Nakatingin siya sa p***o at agad na ngumiti nang makita niya akong pumasok. "Good evening, Amira," bati niya sa akin sa kaniyang mababa at kalmadong boses. "Good evening, Mr. Rosen," sagot ko habang inilalagay ang aking notebook sa mesa. "Ano ang gagawin natin ngayon? panibagong trust exercise ba?" "Yes," sagot ni Vaughn habang itinataas ang panyo. " Kagabi, sinubukan natin ang simpleng trust fall. Ngayong gabi, gusto kong dagdagan ang lebel ng pagsubok para mas matutunan mo ang tamang positioning
Última actualización : 2026-09-24 Leer más