Amira's POV Malamig ang hanging umiihip mula sa bukana ng malaking bintana ng mansyon, ngunit hindi niyon kayang palamigin ang tila nag-aapoy kong mga pisngi. Nakatitig ako sa baso ng tubig na hawak ko habang nakaupo sa mahabang dining table. Natapos na ang hapunan, ngunit nananatili pa rin ang mabigat na katahimikan sa pagitan namin ng lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. Si Vaughn Rosen. Gwapo, mayaman, at may taglay na awtoridad na awtomatikong nagpapatahimik sa kahit sinong pumasok sa silid. Siya ang aking ninong sa binyag, isang matalik na kaibigan ng pamilya na matagal nang nagpapatakbo ng sarili niyang imperyo sa mundo ng negosyo. At ngayong dalawampung taong gulang na ako, naiintindihan ko na kung bakit halos lahat ng tao ay may halong takot at paggalang kapag binabanggit ang pangalan niya. "I'll be waiting in my office. Come in when you're ready," malamig niyang saad bago dahan-dahang tumayo mula sa kaniyang upuan. "Sige po, Ninong," halos pabulong kong sagot. Inayo
Terakhir Diperbarui : 2026-08-27 Baca selengkapnya