Isang hakbang. Dalawa. Pinilit kong maglakad pababa habang nagpapanggap na matapang. Kunwari, hindi ako takot sa kung ano ang pwedeng mangyari sa akin ngayon. Act normal, bulong ng utak ko. Sobrang lamig ng marble floor sa nakayapak kong mga paa. I was so panicked kanina sa taas na hindi ko na man lang naisipang mag-slippers. But in a way, the freezing cold helped. Bawat hakbang ay parang sampal na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Sapat na 'yon para pigilan akong tumalikod, bumalik sa kwarto, at mag-lock ng pinto. Curving slowly into a wide arc, the grand staircase looked beautiful. Pang-grand entrance ang design—pero sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay naglalakad ako patungo sa sarili kong bitayan.Nagliliwanag ang foyer sa gintong ilaw ng chandelier, sapat para kumislap ang mga dyamanteng basta ko na lang dinampot sa jewelry drawer ni Arabella. Habang pababa ako, nahuli ng makintab na banister ang repleksyon ko—isang babaeng may labi ng kapatid ko, pero taliwas doon, nanginginig
Última actualización : 2026-09-20 Leer más