CHAPTER 011(ISABELLA)Pagkalabas ko ng event, naghintay muna ako ng taxi. Ngunit nang walang dumating, nagpasya na akong maglakad dahil ayaw kong matagal na naghihintay lalo na kapag mag-isa ako.Habang naglalakad, tinawagan ko ang kapatid kong si Enzo upang kumustahin ang kalagayan ni Mama. Nakapag-usap din kami ni Mama at sinabi nilang nami-miss na nila ako. Gusto ko sanang nasa tabi nila ako ngayon, ngunit sa pagkakataong ito, mas mahalaga ang trabaho ko upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan at mapanatili silang ligtas at malusog.Nang malaman kong maayos na ang lagay ni Mama, pakiramdam ko ay nabawasan ang napakabigat na pasanin sa aking dibdib. Gumaan ang aking pakiramdam matapos ko silang makausap.Ngunit patuloy pa ring umiikot ang aking paningin at nanghihina ang aking mga binti, kaya agad kong tinapos ang tawag.Pagkababa ko ng telepono, muli itong tumunog. Galing ang tawag sa ospital kung saan naka-admit si Mama.May kaibigan akong nagtatrabaho roon, kaya nakius
รltima actualizaciรณn : 2026-09-21 Leer mรกs