LUCA CORTEZ POV“Don’t be like this, baby,” bulong ni Mommy habang hinahaplos niya ang buhok ko.Nasa sofa kami sa office niya sa 27th floor. 11:30 na ng gabi at tahimik na ang buong executive floor. Nakahilig ako sa dibdib niya. Mahigpit ang yakap ko sa baywang niya na parang ayaw ko nang bitawan. Kanina pa ako tahimik. Nagtatampo talaga ako. Dapat kaninang 9PM pa ako nag-umpisa mag-mop ng hallway pero nandito ako, nakayakap sa boss ko.“So you’re really not going to talk to me?” tanong niya ulit, medyo naiirita na pero malambot pa rin ang boses. “Because of one lunch?” dagdag niya habang sinusuklay ng daliri niya ang buhok ko sa likod.Isang lunch lang daw. Pero hindi lang basta lunch ‘yon! Manliligaw niya ang kasama niya roon eh. She was with Ethan Cheng, a congressman. Mayamang businessman din at may-ari ng 40% shares ng Vane Hotel. Mas matanda sa kanya ng anim na taon, maayos manamit, mayaman, at sanay na nakukuha lahat ng gusto. Iyong tipo ng lalaki na akala niya kapag niregalu
Dernière mise à jour : 2026-10-01 Read More