CHAPTER 10Mama, Don't CryMabilis na lumipas ang oras habang abala si Camille sa paghahanda ng hapunan.Matapos ang mahabang kuwentuhan, tinulungan siya ng triplets sa maliliit na gawaing kaya nilang gawin. Inayos ni Evander ang mga kutsara at tinidor sa mesa, habang si Elara naman ang naglagay ng mga baso. Si Elias ay inutusan niyang ayusin ang kanilang mga gamit sa pag-aaral at tiyaking nakahanda na ang mga kailangan nila para sa susunod na araw.Hindi man palaging tahimik ang tatlo, natutuwa si Camille sa kanilang pagiging masinop.Itinuro niya sa mga bata na hindi kailangang hintayin nilang may ibang gumawa ng lahat para sa kanila. Hangga't kaya nilang gawin ang isang bagay nang ligtas, dapat matuto silang tumulong.At higit sa lahat, gusto niyang lumaking marunong silang rumespeto sa oras at pagod ng ibang tao.Pagsapit ng gabi, sabay-sabay silang kumain.Masayang nagkuwentuhan ang triplets tungkol sa school, sa kanilang mga kaklase, at sa mga susunod nilang activity. Paminsan-m
Terakhir Diperbarui : 2026-10-20 Baca selengkapnya